Monday, May 22, 2006

A Dose of Laughter

This is a repost from Glecy's blog. Laugh trip, swear! :D


Ngayon taong 2003, bente na ako. Shiyet. Ang edad na twenty ay wala nang kakabit na ‘teen’ sa dulo. Ibig sabihin, konti na lang ang mga nalalabing araw ko bago tuluyang magpaalam sa mundo ng pagiging teenager. Matanda na ako pero hanggang ngayon e aktibong miyembro pa rin ako ng batikang Alyansang Alpha No Papa.

Bakit ko ba naiisip 'to ngayon? Hay, paano kasi, lahat ng miyembro ng alyansa e ngayo'y attached na. Ewan ko ba kung anong sa may demonyo ang mga taong ito at sunud-sunod na nagsulputan ang mga mag-syota.Pakiramdam ko tuloy e ako na lang ang single. Kumbaga sa Sunken Garden, ako yung puno ng niyog: nag-iisa at out of place.Nung nakaraang taon lang, lahat ng kakilala ko e nagkakaisa sa aming alyansa: asiwa sa mga love songs, namimintas ng mga pangit na jowa, nandidiri sa mga nagho-holding hands, pinagtatawanan ang mga nagkakandungan, galit sa mga harapang nagp-PDA, asar sa mga laging nagde-date, nagwewelga laban sa mga love quotes sa text, at higit sa lahat e panatag ang loob na ang iba, tulad namin, ay talagang "meant to be alone." Masaya kaming lahat dahil alam naming mas maganda ang manatiling single.

Ohbutgoodnessgraciousgreatballsoffire! Nagulat na lang ako nang minsan ay ang dating kantang-kanta sa Love Song for No One e ngayo'y adik na sa Your Body is a Wonderland! Kala ko naman isa lang siyang tumiwalag sa alyansa. But no! Yung todo lait sa may mga pangit na boyfriend e sinusundo na bigla ng mga lalakeng gumwapo lang ng konti kay Bentong.

At aba, malapit-kaibigan naman e napapasma ang kamay kaka-HHWW o holding hands while walking. Kagulat-gulat din nung namataan ko yung dalawa kong orgmates na nagkakandungan sa Track Oval.Heto pa, pagdating ko sa tambayan kamakailan lang e may bumulagang bagong loveteam na parehong freshie lang at sila'y kuntodo PDA! Kung 'di ba naman minalas e yung lagi kong kasabay umuwi e inanod na sa Manila Bay para makipag-date sa Luneta. Nang nabasa ko naman ang cellphone nung isa e may "Love is like a rosary, it has many mysteries" pa siyang naka-save!

Yung pasimuno ng churee (theory) na "some are meant to be alone" e nakahanap na raw ngayon ng "da wan".Ultimo yung kaibigan kong vaklah e kinabog ako dahil may dalawa, hindi isa kundi dalawang papa na siya! Walang patawad talaga, pagka-uwi ko ng bahay e nagpaalam yung katulong namin at magpapakasal na raw sila ng kanyang "syutang si Rechard." Chakafez kayong lahat!!! Mga traydor!Iwan daw ba ko???

Hmph, kebs ko sa inyo! Mga hayup. E ano naman ang mapapala ninyo sa pagiging in love? Ang mga mag-boyfriend, maliit na mga bagay lang, warla na. Na-late lang sandali, away na. Nanood lang ng sine kasama ang ibang kaibigan, away na. Hindi lang masundo, away na. Nakalimutan lang mag-miss call, away na. Nagsuot lang ng spaghetti straps, away na. Hindi lang makalabas dahil may exam, away na. E ano pa kaya kung ang isyu e mga ex, mga dating manliligaw, mga crush, at kung anu-ano pa?! Warla!

Ang mahal pa ng presyo ng pagiging attached. Lunch sa school, gastos. Date, gastos. Gasolina, gastos. Birthday niya, gastos. Birthday ng nanay niya, gastos. Birthday ng tatay niya, gastos. Birthday ng kapatid niya, gastos. Anniversary, gastos. Monthsary, gastos. Weeksary, gastos. Christmas, gastos. New Year, gastos. Pagdating ng Valentine's Day, daig mo pa ang naholdap. Gastos!

Pag-taken ka na, wala ka nang panahon. Sa org mo, wala ka nang oras. Sa pamilya mo, wala ka nang oras. Sa pag-aaral mo, wala ka nang oras. Sa pakikipagsalamuha sa iba mong mga kaibigan, wala ka nang oras. Sa pagdalo sa iba't-ibang okasyon, wala ka nang oras. Parang ang bilis lagi ng araw dahil laging kailangang pagtuunan mo ng panahon ang boyfriend o girlfriend mo at wala ka nang magawang iba. Pang-ubos oras!O kita ninyo, ang pagiging attached e maraming masaklap na kalalabasan! Lagi ka nang mapapa-away, laging walang pera, at lagi ka pang uhaw sa oras para sa ibang bagay lalo na para sa sarili mo! Walang magandang maidudulot ang pagiging in love.

Hokeipayn... siguro meron. PERO KONTI LANG.Kapag pagod ka galing sa school, may magtatanggal ng stress mo. Kapag nalulungkot ka, may magpapasaya sa'yo. Kapag napupuno ka na sa dami ng pressure sa buhay mo, may magsasabing okay lang yan. Kapag galit ka na sa mundo, may magpapakalma sa'yo. Kapag naubusan ka na ng pre-paid internet card, may ka-chat ka sa telepono. Kapag hindi ka masundo ng tatay mo, may mag-uuwi sa'yo sa bahay. Kapag may bagong palabas sa sine, makakanood ka agad at hindi ka mabubulok na Spiderman pa rin ang huli mong napanood.

Kapag nagkaroon uli ng show si Rex Navarete sa UP, may ka-date ka na at hindi ka isang hamak na third wheel. Kapag pinalabas uli sa Film Center ang In the Mood for Love e in the mood ka talaga. Kapag dumating ang Stephen Speaks sa UP, alam mong ang Passenger Seat ay kanta ng boyfriend mo sa'yo at hindi ng kung sinong manyak na driver sa nasakyan mong Ikot kaninang umaga.

Kapag inabot ka ng gabi sa UP, boyfriend mo ang kasama mong tumingin sa mga tala at hindi ang iyong mga barkadang bakla na naghahanap ng mga nagmimilagro sa Sunken. Kapag may roses ka, alam ng mga taong galing yun sa boyps mo at hindi sa tumakbo sa Oblation Run. Kapag may family reunion, hindi ka pagkakamalang tomboy ng mga kamag-anak mo at hindi ka bibigyan ng aginaldo para bumili ng make-up para daw may magkagusto sa'yo dahil mukhang mauunahan ka na ng kapatid mong grade 6.

Kapag nagkita-kita kayo ng mga haliparot mong high school classmates e totoong lalake ang iku-kuwento mo at hindi ang naguumapaw na listahan ng mga kumare mong bakla. Hindi mo na pro-problemahin ang katorpehan female version dahil taken ka naman. Kapag may kumakalat na chismis na patay-na-patay ka raw sa isang lalake sa UP e hindi ka na mababahala tutal kayo na at siya ang patay-na-patay sa'yo. At higit sa lahat, hindi ka bitter ocampo.

Hasus! Sinong bitter? Sino? Sino, sino, sino ang bitter?!?! Ewan ko sa inyo, basta hindi ako yun. Hindi ako bitter, hindi, hindi, hindi!!

Tuesday, May 02, 2006

Summer, Summer, Summer!

What's keeping me busy lately??


1. Helping the family start up an overseas employment agency.
- Matrabaho 'to, swear! Lots of international correspondence, although most are done through emails and phone calls. It's a super fun learning experience, though. The agency will be catering to applicants to Canada. I also have to attend a seminar in the POEA this May in line with this matter. I still have to do a lot of research. Enjoy naman! :D

2. DVD marathons.
- Wala na ko mapanood. Calling ivan! Kelan tayo mamimirata ulit?? hehehe

3. My mom's here!!
- That translates to endless "bili-mo-ko" shoppings! hehehe. And of course, catching up with a lot of things. One year rin kaming hindi nagkita 'no!

4. Renovation of my room.
- I already did some canvassing on the materials that have to be bought. Dapat matuloy na 'to this time! I want my room to have some touch of OC-ness. (To Glecy: na inspire ako sayo! hehe)
5. Cebu, Cebu, Cebu!
- Although this one's tentative yet. My super galante aunt is already there. She arrived from the States last Sunday. My cousins from Davao are going there, too. Dapat nandun din kami! haha :D

6. Vigan Trip!
- c/o Kate and her Art Stud summer class (hindi pa ako nagpapaalam! waaah)

7. Bora Trip
- c/0 Kate ulit and the rest of my BA friends (sana payagan ako. pero i think, malabo :[ )

8. Mag compute ng GWA.
- I already know all my grades for last sem, though I haven't been to UP since March. Thanks to the CRS, although hindi siya ganon ka reliable. My Business Law professor finally emailed us our grades just this noon. Yung subject na yun na lang ang hinihintay ko sa CRS ever since. My grades are okay. Gusto ko ako rin mahawa sa GC-culture ng CBA. Waaaahh. Promise, this sem talaga, magsisipag na ako! On a positive note, tumaas naman GWA ko kahit papano. hehe.

9. Explore my new laptop.
- Just got it last Saturday. Yehey! It's a Toshiba M70 P543 and it's orange! Plus may free Canon PIXMA MP150 printer pa and optical mouse! (To Zel: I don't need a new laptop as a condition for me to enter Law School anymore. Yey! Iba na lang! Car? haha.. bad girl!)

10. Patuloy na bolahin ang aking kapatid
- ... na magpalit kami ng laptop dahil mas maganda ang sa kanya... pati freebies! She has a printer and an iPOD for freebies! Pero she can get it next week pa ata. Cge na.. Please, please, please! (To ate: If you're reading this, ayan ah.. mega broadcast na ang enthusiasm ko ng makipagpalit sayo! hehe)